Higit 1,600 LSIs, pauwi na sa Caraga at Zamboanga

Aabot sa 800 Locally Stranded Individuals (LSIs) ang umalis sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila patungong Caraga.

Ang mga LSI ay isinakay sa barko sa Manila Port Terminal.

Bukod dito, nasa 800 LSI ang pauwi na rin ng Zamboanga.


Ayon kay Hatid Tulong Program Convenor, Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo, ito ang huling batch ng registered LSI na makakauwi sa kanilang probinsya sa ilalim ng programa.

Nanawagan naman si Manila Mayor Isko Moreno ng maayos na sistema sa pagtanggap at pagpapauwi ng LSIs.

Pagtitiyak ni Encabo na magkakaroon ng systematic approach sa ikatlong bahagi ng programa na plano nilang ilunsad sa huling linggo ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre.

Ang stadium ay inilagay sa lockdown para sa disinfection at cleaning procedures.

Samantala, ang mga lalawigan ng Biliran, Davao de Oro, Negros Oriental, Cebu at Ilocos ay kasalukuyang hindi tumatanggap ng LSIs.

Facebook Comments