Higit 16,000 na guro at volunteers ang magsisilbing Board of Election Inspectors (BEI) sa buong Ilocos Region sa halalan sa darating na Mayo 2025.
Inihayag ni COMELEC Asst. Regional Director Atty. Reddy Balarbar sa isinagawang Kapihan sa Ilocos ng Philippine Information Agency, na mamandohan ng mga ito ang nasa 5, 337 na clustered precincts sa 2,684 voting centers.
Sasailalim sa training ang mga BEIs ngayong Marso upang makabisado ang gagamiting automated counting machines( ACM) at paghandaan ang voting process.
Dagdag ng opisyal, matagumpay ang isinagawang ACM Roadshow sa buong rehiyon maliban sa isang makina na hindi gumana ngunit naagapan dahil sa contingency backup machine.
Nauna nang inihayag ng opisyal na 5,000 ACM ang ilalaan sa Ilocos Region at kalahati dito ay gagamitin sa Pangasinan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨






