Sumampa na sa 189,601 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng 2,378 na panibagong kaso ng sakit ngayong araw.
Sa nasabing bilang, 55,236 ang active cases kung saan 91.5% dito ay mild, 6.1% ang asymptomatic, 1.0% ang severe at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.
Samantala, nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 16,459 new recoveries, dahilan para umakyat sa 131,367 ang kabuuang bilang ng gumaling.
Habang 2,998 na ang nasawi matapos madagdagan ng 32 ngayong araw.
Sa bilang ng mga nadagdag na kaso, pinakamarami ay naitala sa; National Capital Region na nasa 1,022; sinundan ng Cavite na may 132; Laguna, 128; Rizal, 115; at Cebu na 96.
Facebook Comments