Umabot na sa higit 162,000 kilograms na dumi at basura ang nakolekta sa Pasig River sa siyam na araw na clean-up drive.
Ayon sa Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), aabot na sa 162,390 kilograms ng basura ang inilagay sa 5,413 na sako mula April 27 hanggang May 7.
Ang mga basura ay galing sa Manila Bay, na idinadala sa Ilog Pasig bunsod ng high tide.
Bukod dito, nanggagaling din ang mga basura mula sa San Juan River at iba pang estero at daluyan ng tubig matapos ang malalakas na pag-ulan.
Naglagay na ng trash traps sa ilang strategic locations para maiwasang maipon ang mga dumi at basura sa Pasig River.
Facebook Comments