HIGIT 165K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA MAGKAHIWALAY NA BUY-BUST OPERATION SA LINGAYEN

Dalawang indibidwal na tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Lingayen Police Station noong February 19, 2026,

Ayon sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang operasyon sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office 1.

Sa unang operasyon, nadakip ang isang 47 anyos na lalaki matapos mahulihan ng 12.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P83,640 kasama ang buy-bust money at iba pang kagamitan

Sa ikalawa, naaresto ang isang 42 anyos na lalaki na nakuhanan ng 12.07 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P82,076.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments