Higit 168,000 doses ng COVID-19 vaccines mula sa Moderna Inc. darating sa Canada bago magtapos ang taon.
Nabatid na ito ang magiging ikalawang batch ng COVID-19 sa bansa kung saan 30,000 na bakuna mula sa Pfizer at BioNTech ang dumating nitong linggo lamang.
Ikatlo ang Canada sa mga bansa sa mundo ang nakapagbakuna na sa kanilang mga residente mula sa mga nasabing kompanya.
Dahil dito, tinatayang aabot na sa 417,000 doses ang malilikom ng bansa sa pagpasok ng Enero ng susunod na taon.
Facebook Comments