HIGIT 16K NA KATAO, POSIBLENG MAGING BENEPISYARYO NG 4PS SA REHIYON UNO

Nasa higit labing-anim na libo o 16 thousand ang bilang ng potential beneficiaries o mga posibleng mapabilang bilang benepisyaryo ng 4Ps sa Region 1 sa kasalukuyang isinasagawang validation process ng DSWD Field Office 1- 4Ps Regional Program Management Office at Provincial/City/Municipal Operations Offices.
Ang mga sumasailalim sa validation process ay mula sa apat na lalawigan ng Region 1. Ang Pangasinan na may 16,065 na maaaring makabilang sa 4Ps, 213 naman sa Ilocos Norte, 210 sa Ilocos Sur at 53 sa La Union.
Kinakailangan namang sumailalim sa validation process ng mga potential beneficiaries dahil dito makikita kung kwalipikado ang mga ito sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kaukulang dokumento.

Samantala, magkakaroon din ng Community Assembly ng mga lokal na pamahalaan sa kani-kanilang itinakdang iskedyul hanggang 24 Pebrero 2023. |ifmnews
Facebook Comments