Nasabat ng Police Regional Office 1 ang nasa kabuuang 17.1 million pesos na halaga ng iligal droga mula sa mga isinagawang operasyon sa loob ng isang buwan.
Mula June 1 hanggang August 31, 2025, nasa 449 na operasyona ang naisagawa sa buong Ilocos region kung saan nakumpiska ang nasa 2,441.74 gramo ng shabu at 4,499.16 gramo ng marijuana.
Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto sa 472 na drug personalities.
Giit ng hanay ang mariing pagtutok nila sa pagpuksa ng iligal na droga sa rehiyon upang maprotektahan ang mga nasa komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









