Higit 17% ng target COVID-19 jab sa bansa, fully vaccinated na

Umaabot na sa 12,282,006 o 17.19% ng eligible target population sa bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19, 26,677,269 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa bansa kabilang na ang mahigit 14 million first shot doses.

Tiniyak naman ni NTF Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., na committed ang mga local governments na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na magkaroon ng mas agresibong inoculation program.


Halos 240,000 jabs na aniya ang naituturok araw-araw sa National Capital Region (NCR), na malapit na sa target na 250,000 per day.

Facebook Comments