Nasa kabuuang 170 pamilya at higit 500 indibidwal ang ang nagpalipas ng magdamag sa Kaalinsabay Covered Court at NAPICO Multi-Purpose Hall na nagsisilbing evacuation center ng mga nasunugan kagabi sa Kangkungan Street, Barangay Manggahan, Pasig City.
Alas-10:41 kagabi nang ideklarang fire-out ang sunog na umabot sa ikatlong alarma.
Hindi pa tukoy ang sanhi ng sunog at patuloy pa rin ang assessment na isinasagawa sa lugar.
Sa mga covered court kung nasaan ang mga nasunugan, nakaantabay ang medical assistance, City Social Welfare and Development (CSWD) ng lungsod ng pasig kung saan binigyan sila ng sleeping kit at tent.
Nangangailangan sila ng karagdagang tubig, pagkain, at mga damit.
Facebook Comments