Higit 1,700 kilograms ng frozen meat products, nakumpiska ng DA sa isang Chinese restaurant sa Cebu

Aabot sa 1,705 kilograms ng frozen meat products ang kinumpiska ng Department of Agriculture (DA) sa isinagawang operasyon nito sa isang Chinese restaurant sa Cebu City.

Ayon kay DA Assistant Secretary James Layug, bigong makapagpakita ng Certificate of Meat Importation o COMI ang Luys Classic Teahouse nang bisitahin ito ng mga operatiba ng DA Inspectorate and Enforcement at ng National Meat Inspection Service o NMIS noong June 27.

Kabilang sa mga kinumpiska sa naturang Chinese restaurant sa Cebu ang kilo-kilong frozen duck, goose, black chicken at frozen pork.


Paliwanag pa ni Layug, sasampahan ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10611 o Food Safety Act of 201 o also known as the Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang may-ari ng restaurant.

Bahagi pa rin ito aniya ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na paigtingin ang hakbang kontra agricultural smuggling.

Facebook Comments