Tinanggap ng 1,778 pamilya sa Bauang, La Union ang tulong pinansyal sa ilalim ng Emergency Cash Transfer matapos masiraan ng bahay noong kasagsagan ng Bagyong Emong.
Nasa P10, 179 ang halagang tinanggap ng mga may totally damaged houses habang P5, 265 naman sa mga may partially damaged houses.
Sa ilalim ng programa, hangad na masimulan nang naipatayo ng mga benepisyaryo ang kanilang mga tahanan upang muling makabangon.
Matatandaan na dahil sa matinding pinsala na idinulot ng Bagyong Emong, isinailalim sa state of Calamity ang lalawigan noong Hulyo.
Patuloy naman ang pagbangon ng mga establisyimento at mga residente matapos ang muling pananalasa ng mga nagdaang bagyo st habagat.
Facebook Comments









