Naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang nasa 17,922 na indibidwal sa buong bansa na nakarekober sa COVID-19.
Dahil dito, pumalo na sa 1,777,693 ang bilang ng mga gumaling sa nasabing sakit.
Nakapagtala rin ng 18,528 na karagdagang kaso ng COVID-19 kaya’t ang bilang ng aktibong kaso sa buong bansa ay nasa 143,221.
101 naman ang nadagdag sa mga pumanaw kung saan umakyat sa 33,109 ng kabuuang bilang ng mga nasawi.
Sa ngayon, umaabot na sa 1,954,023 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.
Ayon pa sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 27, 2021 habang mayroong pitong laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Base sa datos sa nakaraang dalawang linggo, ang kontribusyon ng pitong laborstoryo na ito ay humigit kumulang 2.7% sa lahat ng samples na nasuri at 2.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.