Nakapagtala ng 17,848 na kaso ng pneumonia ang bansa mula Enero hanggang Hunyo 2022.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), sa nasabing bilang ay 8,934 ang babae habang 8,914 naman ang lalaki, at pinakamarami sa tinamaan ng sakit ay mula sa edad isa hanggang apat na may kabuuang bilang na 5,216.
Pumangalawa naman ang mga batang nasa 29 days hanggang 11 na buwan na may bilang na 2,320 na sinundan ng mga edad lima hanggang siyam na may kabuuang bilang na 2,173.
Samantala, sa rehiyon ng CALABARZON naitala ang pinaka-mataas na bilang ng tinamaan ng sakit na 3,828 na sinundan ng Hilagang Mindanao sa bilang na 3,425 at Cagayan Valley na may 2,295 na kaso.
Facebook Comments