Higit 1,800 heinous crimes, hindi naresolba nitong 2020 – PNP

Kabuuang 1,877 na unsolved cases ng heinous at sensational crimes ang naitala ng Philippine National Police (PNP) na hindi naresolba nitong 2020.

Sa pagdinig ng Senate Justice and Human Rights Committee, sinabi ni PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Albert Ferro ang mga kaso may kinalaman sa murder, rape, kidnapping, serious illegal detention, car theft, parricide, paglabag sa anti-illegal drug law, robbery, piracy, treason, hanggang sa arson.

Duda naman si Committee Chairperson Senator Richard Gordon na ito na ang kabuuang datos ng lahat ng hindi naresolbang kaso.


Iginiit ni Gordon na hindi dapat mahinto ang kaso sa “under investigation” lalo maraming insidente nang pagpatay na kinasasangkutan ng mga pulis at riding-in-tandem.

Iminungkahi ni Gordon sa PNP na bigyan ng pabuya ang mga pulis na makapagreresolba ng mga kaso.

Sagot ni PNP Deputy Chief of Administration Lieutenant General Guillermo Eleazar, may mga pulis naman na nakareresolba ng mga kaso.

Facebook Comments