Nakatanggap ng nasa mahigit isang libo at walong daan o 1860 na kabuuang bilang na mga indigent senior citizen ang kanilang payout bilang bahagi ng social pension para sa unang semestre ng 2023.
Nasa tig-tatlong libo bawat isa ang halaga ng natanggap na pera na para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo.
Layon nitong makatulong sa gastusin ng mga senior citizen pagdating sa kanilang mga gamot o maintenance na kinakailangan nila sa pang-araw araw.
Samantala, masaya itong tinanggap ng mga benepisyaryo mula sa lokal na pamahalaan ng Tayug katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1. |ifmnews
Facebook Comments