Umabot na sa 1,826 residente sa Bayambang, Pangasinan ang nairehistro sa Upgraded Community Service Card bilang bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na magkaroon ng digital payment system sa bayan.
Noong Biyernes, Pebrero 20, 2026, isinagawa ang orientation kaugnay ng financial literacy at registration para sa nasabing card katuwang ang isang e-wallet provider.
Partikular na isinagawa ang aktibidad para sa mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay kung saan nakapagtala ng 704 na bagong rehistrasyon sa naturang araw.
Ayon sa lokal na pamahalaan, magpapatuloy ang kahalintulad na mga aktibidad bilang bahagi ng mas malawak na hakbang tungo sa modernisasyon ng mga serbisyong pampubliko at mas episyenteng pag-abot ng tulong at benepisyo sa mga mamamayan.








