Higit 18,000 indibiduwal, lumabag sa face mask policy – DILG

Umabot na sa higit 18,000 tao sa buong bansa ang nahuling lumalabag sa health protocol.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nasa 18,862 tao ang nahuling hindi nagsusuot ng face mask mula May 6 hanggang May 10.

Mula sa nasabing bilang, 9,379 ang nabigyan ng warning, 8,027 ang pinagmulta, 491 ang isinailalim sa community service, 904 ang inaresto, at 61 ang isasalang sa inquest proceedings.


Bukod dito, nasa 280 ang nahuling nagsasagawa ng mass gatherings, paglabag sa social distancing rules.

Una nang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Director General Guillermo Eleazar na hindi sila magpapataw ng matinding parusa sa mga lalabag sa face mask rule.

Pero ang mga violators ay idadala sa holding areas, papatawan ng multa, community service, depende sa oridinansa.

Facebook Comments