Kasama sa priority o master list ng mga unang batch na mababakunahan ay ang mga health worker, senior citizen, indigent, at uniformed personnel.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa datos ng Vaccine Information Management System ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasama rito ang nasa 186,562 healthcare workers, mahigit 1.4 million senior citizens, 3 million indigents at 164,000 uniformed personnel.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na 34 na mga ospital sa Metro Manila, Cebu, at Davao City ang magiging bahagi ng initial rollout ng 117,000 doses na bakuna mula sa Pfizer-BioNTech.
Bagama’t hindi pa matiyak sa ngayon ang eksaktong petsa nang pagdating sa bansa ng mga bakuna mula sa COVAX Facility ay garantisado na sa Feb 23 ay darating sa bansa ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines na donasyon ng China.