Maraming dahilan kung bakit nagpabakuna pa rin ang mga Pilipino kontra COVID-19.
Ito ang sinabi ng Department of Health (DOH) kasunod ng findings ng Reuters na mayroong umano’y secret operation ang Estados Unidos para siraan ang anti-COVID-19 vaccine ng China na Sinovac.
Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, nararapat lamang din na imbestigahan ang ulat.
Kasabay nito ay sinabi, sinabi ni Domingo na maraming batayan ang mga Pinoy para magpabakuna kabilang na ang kanilang edad, educational attainment, health insurance, employer requirement, kaalaman sa sakit at mataas na kumpiyansa sa bakuna.
Sa ulat pa ng Reuters, nagsimula ang pagpapakalat ng US ng paninira laban sa mga bakuna ng China noong 2020 hanggang 2021.
Sa datos naman ng DOH, mahigit 48.7 million na bakuna ng Sinovac ang naiturok sa mga Pinoy mula sa kabuuang 181.6 million na COVID-19 vaccines na nagamit.