Higit 19 na sasakyan nadamay sa sunog sa NAIA

Nasunog ang nasa higit 19 na mga sasakyan sa sunog na sumiklab sa extension parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa panayam kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Ines, maaaring empleyado ng NAIA o MIAA ang may-ari ng ilang sasakyan at iisa pa lamang sa ngayon ang lumapit at nagpaalam na pag-aari nito ang isa sa mga nasunog na sasakyan.

Saad niya na pagmamay-ari ng MIAA ang nasabing parking area pero naka-lease ito at sila ang nagpapaupa.


Kasalukuyang iniimbestigahan pa rin ang pinagmulan ng sunog ngunit tinitignang dahilan sa paglaki ng apoy ang tuyong damuhan at malakas na hangin, dagdag pa nito ang matinding init ng panahon.

Facebook Comments