Umabot sa 191,117 na manggagawa ang nawalan ng trabaho mula Enero hanggang Mayo 30.
Batay sa Department of Labor and Employment (DOLE), naitala ang nawalan ng trabaho sa buong bansa mula sa 6,602 establisyimento.
Nasa 91% o 5,714 establisyimento naman ang nagbawas ng manggagawa habang siyam na porsyento o 888 ang permanenting nagsara.
Pinakamaraming nawalan ng trabaho sa Metro Manila na may 114,178, sinundan ng Region VII na may 20,632.
Ang pinakamaraming nawalan ng trabaho ay mula sa construction industry na may 27% o 51,403.
Facebook Comments