Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa P194,360,559.46 ang kabuuang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura matapos ang pananalasa ng Bagyong Florita sa lalawigan ng Cagayan.
Ito ay batay sa datos na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office as of August 24, 2022 (5:00 PM).
Umabot naman sa 191,545 ang inisyal na bilang na pinsala sa livestock.
Dahil dito, umabot sa higit P40 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala sa mga pananim na palay; higit P128 milyon naman sa maisan; P9 milyon naman sa fisheries; at fishponds na may mahigit P15 milyon.
Samatala, umabot naman sa 153 barangay, 3,700 pamilya o katumbas ng 12, 394 ang apektado ng kalamidad.
Facebook Comments