Mahigit 19,000 na bakanteng trabaho mula sa isandaang (100) local at overseas na kumpanya ang nakatakdang ibigay sa gaganaping Labor Day Jobs Fair sa darating na Mayo 1, 2023 para sa mga Pangasinenseng naghahanap ng trabaho.
Ayon kay information officer ng Department of Labor and Employment-Regional Office 1, Justin Paul Marbella, gaganapin ang mga jobs fair sa mga lugar ng PESO Multipurpose Hall sa Lingayen, sa Orbos Gym sa Poblacion Norte ng bayan ng Sta. Barbara at sa event center ng Magic Mall sa Urdaneta City.
Sinabi pa ni Marbella na para sa Pangasinan, ang DOLE Region 1 ay nakapagtala na ng kabuuang 17, 237 local job vacancies at 2,058 na trabaho sa ibang bansa na pinagsama-sama mula sa 89 local employers at 11 mula sa ibang bansa noong Abril 26.
Dagdag pa niya, karamihan sa mga bakante ay para sa mga trabahong tulad ng customer service representatives, production operators, microfinance officers, service crews, at sales representatives.
Pinayuhan ni Marbella ang lahat ng mga aplikante na lalahok sa jobs fair na magdala ng maraming kopya ng kanilang mga resume at mag-pre-register gamit ang mga link na naka-post sa opisyal na Facebook page ng DOLE RO 1.
Dagdag pa rito na pumunta ng maaga o bago mag-8a.m. para makapag-apply sila sa pinakamaraming employer hangga’t kaya nila bago magsara ang jobs fair ng 5p.m.
Bukod sa jobs fair, idinagdag ni Marbella na malugod ding tinatanggap ng publiko ang mga serbisyong i-aalok sa one-stop-shop ng mga kalahok na ahensya ng gobyerno.
Aniya, ang mga tanggapan na sasali sa aktibidad at mag-aalok ng kanilang frontline services ay ang Philippine Overseas Employment Administration, Philippine Statistics Authority, National Bureau of Investigation, Technical Education and Skills Development Authority, Social Security System, at Department of Trade and Industry, at iba pa.

Facebook Comments