HIGIT 1K COLLEGE STUDENTS, TUMANGGAP NG EDUCATIONAL ASSISTANCE

CAUAYAN CITY- Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng Educational Assistance o tulong pang-edukasyon sa mga Kabataang Santigueño ng Lungsod ng Santiago.

Nabigyan ng nasabing educational assistance ang 1,100 Santiagueñong College Student na may kabuuang halaga ng 3,300,000 mula sa Lokal na Pamahalaan ng Santiago.

Ang programang ito ay bahagi ng Kaisaka sa Edukasyon at Literasiya kung saan naglalayong isulong ang pagpapataas ng antas ng edukasyon at tulungan ang mga kabataang Santiagueño ng nasabing lungsod.


Facebook Comments