Natanggap na ng higit isang libong (1000) mga Kabataang Dagupeño ang kanilang scholarship grant na laan para sa kanilang educational assistance para sa school year 2023-2024.
Kabuuang dalawampung libo at limang daang (P20, 500) piso ang natanggap ng mga scholars para sa kanilang pangmatrikula sa ikalawang semestre.
Inaayon ang nasabing programa sa UN Sustainable Development Goals sa larangan ng edukasyon o UN SDG #4 na Quality Education.
Samantala, matatandaan na target ng lokal na pamahalaan ng magkaroon ng kabuuang limang libong (5, 000) na mga scholars sa lungsod ng Dagupan sa ilalim ng nagpapatuloy na Scholarship Program. |ifmnews
Facebook Comments