Higit sa isang libong inmates na nakalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad kahapon.
Ayon kay Justice Secretary Markk Perete – aabot sa 1,665 na dating bilanggo ang sumuko sa mga pulis at sa kustodiya ng Bureau of Corrections (BuCor).
Nasa lagpas 600 inmates mula sa kabuoang 1,914 ang nagmatigas.
Dahil paso na ang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte, magsisimula na ang mga awtoridad na tugisin ang mga hindi sumukong inmate, na karamihan ay murderer, rapist at drug offenders.
May patong na rin ang mga ito na tig-isang milyong piso sa kanilang mga ulot.
Tiniyak na rin ng Bureau of Immigration (BI) na walang bilanggong nakalabas ng bansa.
Facebook Comments