
Umabot na sa mahigit 1,000 tanggapan ng pamahalaan ang nainspeksiyon ng energy monitoring team upang tiyakin ang pagsunod sa energy austerity measures na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, tuloy-tuloy ang pag-iikot ng monitoring team para masigurong nasusunod ang limitasyon sa paggamit ng kuryente at gasolina sa mga ahensya.
Layunin ng hakbang na mapababa ang konsumo ng enerhiya habang tumataas ang presyo ng langis at nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East.
Dagdag pa niya, nais ng pangulo na mauna ang gobyerno sa pagtitipid bilang ehemplo sa publiko.
Hindi kabilang sa direktiba ang mga ahensiyang may kinalaman sa public safety at health services.
Facebook Comments










