Nalagpasan na ng bansa ang target nitong 1 million daily jabs.
Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kahapon November 4, 2021 naitala ang 1,119,389 daily jabs sa buong bansa.
Kasunod nito umakyat na sa 62.4 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok ng pamahalaan.
Sa bilang na ito, 18.2 million ay naiturok sa National Capital Region (NCR).
Sinabi pa ni Roque na 37.23% ng target population sa buong bansa ay fully vaccinated na laban sa virus.
Katumbas ito ng 28.7 million na mga Pilipino.
Sa Metro Manila naman, 88.86% o katumbas ng 8.6 million ng target population ay fully vaccinated na.
Habang 97.45% naman ng target population sa rehiyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna.
Facebook Comments