Ngayong linggo, inaasahan ang pagdating sa bansa ng 1M doses ng mga bakuna kontra COVID-19 na donasyon ng Japan.
Ang 1M AstraZeneca vaccines ay sobrang bakuna ng Japan at libreng ipagkakaloob sa Pilipinas at ilan pang kalapit na bansa sa Asya.
Maliban dito, darating din ang 170,000 Sputnik V (component 1 & 2) na binili ng bansa sa Russia.
Samantala, sa pinakahuling datos ng Department of Health, umaabot na sa 8,839,124 ang mga indibidwal ang nabakunahan na ng 1st dose sa buong bansa.
Nasa 2,868,905 naman ang mga fully vaccinated o kabuuang 11,708,029 ang mga nabakunahan na sa buong Pilipinas.
Facebook Comments