Nasabat ng mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Nueva Vizcaya ang bulto ng narra flitches sa checkpoint sa Calitlitan, Aritao nitong Lunes, Setyembre 26, 2022.
Pinara ng mga tauhan ng DENR ang isang puting Aluminum van at nakumpirmang may karga itong nasa 104 piraso ng narra lumber bar flitches o may volume na 2,520 board feet at tinatayang nagkakakahalaga ng higit 1.2 milyong piso.
Arestado ang driver na si Rommel Mercado, 37 taong gulang at pahinante na si Warwin Cruz, 19 taong gulang, helper at kapwa residente ng San Miguel Bulacan matapos walang maipakitang dokumento para sa mga nasabing kahoy.
Ito ng ikatlong pagkakataon na may nasabat na mga kontrabandong kahoy sa nasabing checkpoint ngayong buwan ng Setyembre.
Nasa anim na milyon na ang halaga ng mga pinupuslit na kahoy ang nakumpiska ng DENR ngayong buwan lamang.
Facebook Comments