HIGIT 1,OOO PAMILYANG PANGASINENSE, GRADUATE NA BILANG 4PS

Nasa 1,185 na pamilyang miyembro sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development ang nagtapos ngayong kwarter ng taon.

Kabilang sa naturang bilang ang 827 pamilya sa bayan ng Aguilar at 358 benepisyaryo sa Natividad.

Ito ay matapos ideklara na self-sufficient na o kaya nang hindi dumepende ng mga benepisyaryo sa programa.

Ayon sa panuntunan ng 4Ps na itinakda ng tanggapan, hanggang pitong taon lamang maaaring maging miyembro ang isang pamilya o hanggang sa tumuntong sa 18 anyos ang pinakahuling anak ng isang miyembro.

Kaugnay nito, patuloy ang suporta ng tanggapan sa mga kapos na pamilya sa paghahatid ng tulong hanggang sa makaahon sa kahirapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments