Higit 2.2 million family food packs, naipaabot na ng DSWD sa mga naapektuhan ng Bagyong Tino at Uwan

Pumalo na sa mahigit 2.2 million family food packs o FFPs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga lugar na naapektuhan ng magkasunod na bagyong Tino at Uwan.

Ayon sa DSWD, kabuuang 2,216,333 kahon ng FFPs at 24,455 na ready-to-eat food (RTEF) boxes na ang naihatid sa mga lalawigang matinding naapektuhan ng magkasunod na bagyo.

Bahagi ito ng augmentation request mula sa mga lokal na pamahalaan na nakalaan para sa mga pamilyang naapektuhan sa iba’t ibang rehiyon.

Kabilang sa rehiyon na nakakuha ng maraming bulto ng FFPs ang Central Visayas na may 445,336 na boxes; Bicol Region, 349,067; Central Luzon, 261,058; Ilocos Region, 257,025 at Cagayan Valley, 198,683.

Facebook Comments