Timbog ang limang itinuturing na High-Value Individual (HVI) matapos masamsam sa mga ito ang higit 2.2 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isang buy bust operation sa Brgy. New Poblacion, Burgos, La Union.
Dalawa sa mga nahuli ay residente sa Benguet, dalawa sa Ilocos Sur at Isa ay residente ng La Union. Nakumpiska sa operasyon ang labinsiyam (19) na kilo ng pinatuyong marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng 2,280,000.00.
Ang mga nakumpiskang ebidensya ay agad na dinala sa Regional Forensic Unit 1 sa Lungsod ng San Fernando, La Union, para sa laboratory examination.
Samantala, ang mga suspek ay nasa kustodiya ng Burgos Municipal Police Station at nahaharap sa paglabag sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments