Aabot na sa 2.4 million washable face masks ang naipamahagi ng Task Group Face Mask (TGFM) ng National Task Force against COVID-19 sa Metro Manila at mga katabing probinsya.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 2,422,890 face masks ang naipamahagi ng task force sa 16 na siyudad at munisipalidad sa Metro Manila at tatlong probinsya.
Patuloy ang pamamahagi ng libreng washable face masks sa mga Local Government Unit (LGU).
Ang DSWD ay miyembro ng task group na inatasang manguna sa distribusyon ng libreng face masks sa mga mahihirap bilang bahagi ng precautionary measures laban sa COVID-19.
Ang pamamahagi ng face masks ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan na maprotektahan ang mga mamamayan mula sa pandemya.
Nakatutulong din ang “Libreng Mask para sa Masa” project sa mga micro, small at medium enterprises na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.