HIGIT 2.4-MILYONG PANGASINENSE, NAKAPAG-PAREHISTRO NA SA PHILSYS ID NG PAMAHALAAN

Dahil sa tuloy-tuloy na paghikayat ng Philippine Statistics Authority at ng pamahalaan na kumuha na ng PhilSys ID o ang National ID, pumalo na sa mahigit dalawang milyong Pangasinense ang nakapag-parehistro na ayon sa PSA.
Base sa pinakahuling datos ng PSA Pangasinan nitong July 31, 2023 ay nasa kabuuang 2,415, 718 na ang nakakuha na ng Step 2 PhilSys ID Registration ng pamahalaan.
Ayon sa ahensya naabot ang nabanggit na bilang dahil sa isinasagawang kampanya ng ahensya na pagpunta sa mga paaralan o ang PhilSys School Registration Campaign kung saan malaki sa kanilang mga naitatala ang bilang ng mga estudyante at sa patuloy na panawagan ng pamahalaan sa mga Pilipino na kumuha na ito bilang tanda na isa itong bonafide resident ng bansa.

Matatandaan na noong ika-30 ng Hulyo, 2023, nasa higit isang milyong mga Pangasinense na ang nakatanggap na ng kanilang mga E-PhilID o ang pansamantalang kopya ng ID o printed ID.
Tuloy-tuloy din na paalala ng ahensya sa publiko na kumuha at magsadya na sa mga tanggapan ng PSA upang makapag-parehistro na sa PhilSys ID Registration.
Matatandaan din na ayon sa batas, maaari nang gamitin ang ID na ito sa lahat ng kahit anong transaksyon maging ang E-PhilId.
Samantala, sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas na siyang provider ng national identification cards, ay nasa 36-milyon na ang natapos na cards mula sa target nitong 92-milyong National ID Cards. |ifmnews
Facebook Comments