Higit 2 libong pasahero, stranded sa mga pantalan sa bansa

Manila, Philippines – Nananatili sa 2, 512 mga pasahero ang stranded ngayon sa mga pantalan dahil sa bagyong Maring.

Base sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, pinakamaraming bilang ng mga stranded na pasahero ay nagmula sa Manila North Harbor na mayroong 1, 191, na sinundan naman ng Batanggas port na mayroong 652 mga pasahero.

Habang nasa 181 na rolling cargoes, 51 vessels at 16 motor banca naman ang hindi na muna pinayagang makapalaot.


Facebook Comments