Sa ilalim ng Department of Agriculture Regional Field Office 2 (DA RFO 2) Agri-business and Marketing Assistance Division (AMAD katuwang ang MLGU, sinabi ni Ma. Rosario Paccarangan, AMAD Chief,na may kabuuang 47,600 kgs ng mani ang nabenta sa Mabuhay Foods Corporation na may presyong 47 pesos kada kilo na ang farmgate na presyo ay nasa 34-38 pesos.
Nabenta ng Alcala Peanut Farmers ang kanilang aning mani sa halagang 2.3 milyong piso.
Bukod sa Alcala Milk Candy, ang bayan ay kilala rin sa kanilang produktong mani at mais.
Ang Alcala ay isa sa limang bayan sa Cagayan na may pinakamataas na produksyon ng yellow corn.
Sa ilalim din ng AMAD, ang Damurug Corn Farmers naman ay nakapagbenta ng may kabuuang 16,750 kgs ng puting mais sa 3 Shers Food Products sa Cauayan City at sa Barcelona Cornik Products sa Santiago City sa presyong P16.00 kada kilo.