HIGIT 2-MILYON NATIONAL ID, NAIPAMAHAGI NA NG PSA

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Philippine Statistics Authority na umabot na sa kabuuang 2,132,736 ang naideliver na National ID cards sa Cagayan Valley Region.

Ayon sa PSA, hanggang sa ngayon ay patuloy ang kanilang ginagawang pagdeliver sa pamamagitan naman ng PhilPost.

Samantala, para naman sa mga nakapagparehistro na ngunit wala pang ID ay maaring idownload ang nasabing ID sa national-id.gov.ph.


Ang Digital National ID na ito ay pareho lamang ang validity sa physical ID at dapat lamang na kilalanin sa lahat ng transaksyon na gagawin ng may-ari.

Facebook Comments