Nasa halos 2 milyong Moderna anti-COVID-19 vaccines ang malapit nang ma-expire.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center Chairperson (NVOC) at Health Usec. Myrna Cabotaje na 200,000 doses din ng AstraZeneca ang malapit nang mapaso.
Ayon kay Cabotaje, ang mga bakunang ito ay dapat nang maiturok bilang 1st dose bago abutan ng expiration period.
Samantala, ang ilang Pfizer vaccines naman na dapat mag-e-expire na sa Hulyo at Agosto ay napalawig pa ng tatlong buwan ang shelf life.
Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na mayroong higit isang milyong doses ng bakuna ang tuluyan nang napaso o katumbas ng 2% ng kabuuang doses ng suplay ng bakuna sa bansa.
Ang mga ito ay donasyong bakuna ng COVAX facility pero nangako naman anila ang COVAX na papalitan ang mga napasong bakuna.
Kasunod nito, umaasa ang pamahalaan na makakamit ang 77-M fully vaccinated individuals bago tuluyang umalis sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng Hunyo.