HIGIT 2-MILYONG HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASABAT NA NG PNP REGION 1 SA BUWAN NG ENERO SA KANILANG PATULOY NA ILIGAL DRUGS OPERATIONS

Nagpapatuloy ang ginagawang operasyon ng operatiba partikular ng kapulisan sa Rehiyon Uno para masawata ang pagsasagawa ng iligal na gawain tulad na lamang ng operasyon kontra droga.

Sa panayam kay Police Regional Information Officer PLtCol. Abubakar ‘Jun’ Mangelen, ang pagtatalaga ng quarantine checkpoints na kalaunay ginawang COMELEC Checkpoints ay ang Anti Illegal Drugs Operations nila.

Batay sa datos ng kanilang ahensya, umabot sa higit dalawang milyong piso ang nasabat nilang iligal na droga mula sa kanilang operasyon mula January 17 hanggang unang Linggo ng Pebrero.

Nahuli nila ang labing anim (16) na indibidwal at nakuha sa mga pangangalaga nila ang 5.70 grams na shabu at 14 kilos ng Marijuana.

Iginiit ni Mangelen na ito ay magsisilbing babala sa mga kababayan na nais subukan ang kakayahan ng pulisya ng Region 1 upang magsagawa ng iligal na gawain. | ifmnews

Facebook Comments