HIGIT 2-MILYONG HALAGA NG KITA NG DAIRY FARM SA BAYAN NG LAOAC, NAITALA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG PANGASINAN

Pinagkakakitaan ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang isang farm sa bayan ng Laoac.
Ito ang Laoac Dairy Farm kung saan isa ito sa mga nakikitang maaaring mapagkakitaan at makakatulong sa ekonomiya ng probinsya.
Nitong nagdaang 2023, naitala ang nasa mahigit dalawang milyong kita mula sa gatas ng 32 na kalabaw at 40 baka kung saan ay nakakapag-produce o nakukuha sa mga ito ang tinatayang nasa 7.5 na litro ng gatas kada araw.

Inaasahan ng pamunuan ng LDF at ng pamahalaan na mas maraming makukuha o napoproduce na produkto sa oras na ito ay maging fully operational na.
Inaasahan din na ang proyektong ito ay magkakaroon o makakapagbigay ng positibong epekto lalong lalo na sa trabaho ng mga tao.
Dahil din sa proyektong ito mas mapapalakas ang dairy industry sa probinsya. |ifmnews
Facebook Comments