Higit 2 milyong manggagawa, nasa floating status

Nakapagtala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng higit 2 milyong manggagawa na nasa ilalim ng “floating” status.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DOLE Labor Relations, Social Protection and Policy Support Cluster Usec. Benjo Santos Benavidez na ang nasabing 2 milyong floating status na mga manggagawa ay mula sa 96,000 na mga establisyimento.

Ayon kay Benavidez, ang mga ito ay napilitang mag-forced leave dahil ang kanilang mga pinapasukang kompanya ay pansamantalang nagsara dahil sa pandemya.


Magkagayunman, beberipikahin pa aniya niya ang datos dahil may ilang negosyo na ang muling nakakapag-operate.

Paliwanag nito, sa ilalim ng labor laws ay kailangang ma-rehire ang mga manggagawang ito sa loob ng 6 na buwan.

Kung hindi na kayang makapag-operate muli ng isang negosyo, dapat ay bibigyan ng separation fee ang mga nawalan ng trabaho.

Saka-sakaling hindi ito masunod, maaaring maghabla ang mga naapektuhang empleyado sa alinmang DOLE office.

Facebook Comments