
Umabot sa 2,669,858 ang bilang ng mga pasahero na bumiyahe sa Paran̈aque Integrated Terminal Exchange (PITX).
Ang nasabing bilang ay naitala mula Dec. 19, 2025 hanggang January 1, 2026.
Pinakamataas na bilang na naitala ay noong Dec. 23, 2025 kung saan pumalo sa 231,827 na pasahero ang bumiyahe.
Mula naman kaninang alas-8:00 ng umaga, nasa 39,261 na pasahero ang naitalang bumiyahe sa PITX.
Base naman sa datos na ibinahagi ng pamunuan ng PITX, aabot sa higit 500 mga ipimagbabawal na bagay ang nakumpiska mula sa mga pasaherong nagtungo sa terminal sa nabanggit na petsa.
Ilan sa mga ito ay ang butane, kutsilyo, cutter, gunting, lighter, blade at mga paputok tulad ng five star, kuwitis, lusis, piccolo, whisle bomb at fountain.
Facebook Comments










