Target ng ilikas ng gobyerno ang higit dalawang milyong documented OFWs na nanganganib na maipit sa gulo sa Middle East.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III – gagamitin nila ang 100 million pesos na repatriation budget na mula pa nitong 2019.
Bukod pa ito sa higit isang bilyong piso ngayong taon.
Sinabi rin Ni bello – na awtomatikong may deployment ban sa Iran, Iraq at Lebanon.
Tiniyak din ng kalihim ang tulong para sa mga OFW na uuwi sa bansa.
Nanawagan din ang DOLE sa mga OFW sa mga nasabing bansa na huwag nang magmatigas.
Facebook Comments