Tinupok ng apoy ang tatlong palapag ng Todays Commercial and Pet World sa bahagi ng Poblacion 5 ng lungsod.
Sa naging panayam ng DXMY kay FO2 Aldrin Narra, tagapagsalita ng Bureau of Fire Protection-Cotabato City, alas 11:56 kagabi ng makatanggap sila ng tawag mula sa isang barangay official na may malaking usok mula sa naturang establishimento, agad naman silang rumisponde subalit nahirapan silang makapasok dahil naka-kandalo ang naturang tindahan.
Nang makapasok ang mga bombero ay naka-akyat na sa ikalawa at ikatlong palapag ang apoy.
Sinabi pa ni Narra, aalamin pa nila kung ano ang maaring pinagmulalan ng sunog.
Habang nag-ooperate ay may ilang mga hayop naman silang naisalba ayon pa kay Narra.
Nahirapan silang maisalba lahat ng hayop sa naturang establishemento dahil nasa 2nd at 3rd floor ang mga ito, yari lamang sa light material ang hagdanan kaya mahirap para sa mga bombero na umakyat pa dahil baka bumigay ito.
Sa kanilang pagtaya sinabi ni Narra na abot sa humigit kumulang 2 milyong piso ang halaga ng mga produkto ng Todays Commercial and Pet World ang tinupok ng apoy subalit maari pa anyang madagdagan ito sa oras na magdeklara na ang may-ari ng establishimento ng kabuuang halaga ng kanilang mga produkto at ari-arian na nasunog.
Maswerteng hindi na lumawak ang sunog at hindi napasama ang mga katabing gusali nito kabing na ang isang bangko.
CCTO PIC
Higit 2 Milyong Piso halaga ng ari-arian naabo sa nangyaring sunog sa Cotabato City
Facebook Comments