Higit 20 barangay sa lungsod ng Pasay, nasa ilalim ng localized enhanced community quarantine

Nasa 23 barangay sa lungsod ng Pasay ang nananatiling naka-localized enhanced community quarantine.

Ito’y bunsod ng naitatalang mataas na kaso ng COVID-19 kung saan nakatutok at patuloy na minomonitor ng Pasay City Health Office ang sitwasyon sa mga nasabing barangay.

Kaugnay nito, nagpadala na ng ayuda at iba pang tulong ang lokal na pamahalaan ng Pasay sa mga apektadong residente bunsod ng localized enhanced community quarantine.


Nakabantay naman ang mga tauhan ng Pasay City Philippine National Police (PNP) para masiguro ang seguridad at kapayaan sa mga naka-lockdown na barangay.

Bukod dito, binigyan ng food packs ng Pasay LGU ang nasa 47 pasyenteng may COVID-19 bilang tulong habang sila ay nagpapagaling.

Ang mga nasabing foods packs ay may laman na anim na kilos ng bigas, 10 piraso ng Energen drinks, ready to eat na pagkain ay mga vitamins.

Facebook Comments