Higit 20 COVID-19 patients sa Pasay City, gumaling na

Umabot na sa 391 mula sa 681 pasyenteng may COVID-19 sa lungsod ng Pasay ang gumaling na sa sakit.

Ito ay makaraang makapagtala ng 20 recoveries mula June 15 hanggang 20, 2020.

Nasa 41 naman ang nasawi dahil sa virus.


Sa ngayon, patuloy na binabantayan ng lokal na pamahalaan ang 507 na probable at 22 suspected cases ng COVID-19 sa Pasay.

Facebook Comments