Higit 20 distressed Filipino sa Lebanon, na-repatriate na pabalik ng Pilipinas

Na-repatriate na ng embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang nasa 25 na Pilipino matapos ang koordinasyon nito sa mga awtoridad upang mapabilis ang paglabas ng kanilang clearance.

Undocumented at walang pera ang mga Pilipino na na-repatriate sa Lebanon, kabilang sa mga ito ang isang bilanggo na binigyan ng legal assistance at apat na Overseas Filipino Workers (OFW) na naapektuhan ng welga mula sa public sector sa nasabing bansa na humantong sa pagkaantala ng pagproseso sa kanilang mga kaso.

Nagpasalamat ang mga repatriates sa embahada para sa pagsasaayos ng kanilang pagbabalik sa Pilipinas at pagbibigay ng legal at welfare assistance sa kabila ng malupit na epekto ng krisis sa Lebanon sa mga undocumented migrant workers.


Ang nasabing mass repatriation activity ay huling batch ng Assistance to Nationals na gagawin ng embahada sa paglipat ng OFW-related functions sa Migrant Workers Office (MWO) sa Lebanon simula sa Sabado, July 1.

Samantala, patuloy namang magbibigay ng tulong ang Assistance to Nationals Section ng embahada sa iba pang distressed na mga Pilipino sa Lebanon dahil sa umiiral na sitwasyon sa nasabing bansa.

Facebook Comments