Higit 20 generation companies, hinihingan ng paliwanag ng ERC kaugnay ng madalas na pag-derate ng kanilang mga planta

Inutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa 22 generation companies o gencos na magbigay ng paliwanag sa kanilang mga derating powerplant o mga dahilan kung bakit ang kanilang mga planta ay madalas na nade-derate o nag-operate sa isang derated state.

Hinihingi ng ERC sa mga genco na magsumite ng paliwanag sa loob ng pitong araw mula sa pagkakatanggap ng kanilang mga liham.

Bukod dito nais ng ERC na magbigay ang mga gencos ng kanolang plano o timeline kung kailan maiibabalik ang mga apektadong unit sa buong kapasidad nito.

Ayon sa ERC, ang kanilang direktiba ay bahagi ng resolution na panagutin ang mga genco at hikayatin ang mga ito ng magbigay ng maayos na operational and economic output.

Facebook Comments